Sinovac vaxx para sa menor de edad, naghihintay ng EUA approval

0
481

Inaasahan ng pharmaceutical consortium IP Biotech Group ang pag-apruba ng vaccine na Sinovac para sa mga Pilipinong menor de edad.

Sa isang pahayag, sinabi ng IP Biotech na ang Chinese vaccine ay nakakuha ng emergency use authorization (EUA) para sa mga batang may edad na anim na taon hanggang 17 taon sa Brazil at Thailand, na maaaring maging batayan para sa parehong EUA sa bansa.

Idinagdag nito na ang Sinovac ay ginagamit din para sa pediatric vaccination sa China, Chile, Indonesia, Malaysia, at iba pang mga bansa sa rehiyon.

“The medical communities and regulators in several countries have provided data that can assure parents on the safety and efficacy of vaccinating their children. The data will show that Sinovac is indeed a very safe choice for children and teenagers. This supports the notion on the safety and reliability of inactivated virus vaccines, much like the flu vaccine,” ayon kay IP Biotech chair Enrique Gonzalez.

Binanggit ni Gonzalez ang pag-aaral sa Chile, na angdata na nakolekta mula sa 1.9 milyong mga bata na may edad na anim na taon hanggang 17 taon ay nagpapakita ng 74 porsiyentong bisa ng Sinovac.

Ang average na 90 porsiyento ng mga nabakunahan ng Sinovac jabs na nagkasakit ng Covid-19, ay hindi naospital at ang 100 porsiyento ay hindi ipinasok sa intensive care unit na ospital at hindi namatay.

“As the country is now focusing on vaccinated children and adolescents, it is important that we provide more choices and proper vaccine access to Filipino families,” ayon kay  Gonzalez.

Nauna rito, sinabi ng presidential adviser para sa Covid-19 response na si Vivencio Dizon na nag-apply ang Sinovac para sa EUA amendment para sa Chinese jab na ibibigay sa mga menor de edad.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.