Sinusuri ng Comelec ang katotohanan sa ulat ng ‘hacking’

0
264

Tinitingnan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lumabas na ulat na na-compromise  ang mga system nito.

“With no independent verification that a hack has indeed taken place, one thing immediately stands out: the article alleges that the hackers were able to ‘download files that included, among others, usernames and PINS (personal identification numbers) of vote-counting machines,’” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa statement niya kagabi tungkol sa nailathalang report ng hinihinalang  hacking.

“The fact, however, is that such information still does not exist in Comelec systems simply because the configuration files – which includes usernames and PINs – have not yet been completed. However, there is a need to check the veracity of the report,” ayon kay Jimenez.

“This calls into question the veracity of the hacking claim. As for the rest of the allegations made, please note that the article offers scant substantiation for its assertions despite claiming that the authors had ‘verified that there was an ongoing hack.’ Indeed, the article does not even offer proof of such verification,” dagdag pa niya.

Tiniyak din niya sa publiko ang buong at masusing pagsunod ng poll body sa Data Privacy Act, pati na rin ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa National Privacy Commission.

Kasabay nito, inimbitahan ni Jimenez ang mga may-akda na bigyang linaw ang kanilang mga alegasyon, partikular ang “beripikasyon” na sinasabi nilang kanilang naisagawa.

“Considering that ‘news’ like this could potentially damage the credibility of the elections, the Comelec stands ready to pursue all available remedies against those who, either deliberately or otherwise, undermine the integrity of the electoral process,” ayon sa kanya.

Tiniyak niya na ang poll body ay magpapatuloy sa mga pagsisikap nito na patunayan ang mga pahayag na nakasaad sa ipinalabas sa artikulo.

Comelec spokesperson James Jimenez. Photo credits: PNA
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo