Sisimulan ang liquor ban sa Mayo 8-9: Mga pulis, mahigpit na magbabantay

0
169

Ipapatupad sa buong bansa simula Linggo (Mayo 8), ang liqour ban habang ang Philippine National Police (PNP) ay nagpapaalala sa publiko ng mga panuntunan sa halalan at mga ipinagbabawal na gawain na dapat ipatutupad sa Mayo 8 at 9.

Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang Resolution No. 10746 na nagpapataw ng pagbabawal sa pagbebenta, pagbibigay, pag-aalok, pagbili, paghahatid, o pag-inom ng nakalalasing na alak sa tinukoy na mga petsa.

“Anyone found violating any of the provisions may face the penalty of imprisonment of not less than one year but not more than six years without probation,” ayon kay PNP Chief Officer-in-Charge/Security Task Force Commander, Lt. Gen. Vicente D Danao Jr., at tinuran ang probisyon ng Comelec Resolution No. 10746.

Hinihiling ng PNP sa publiko ang disiplina at mahigpit na pagsunod upang maiwasan ang posibleng kaguluhan o mainit na alitan sa mga mahahalagang araw na binanggit.

Ito rin ay magsisilbing paalala sa mga may-ari ng establisyimento na iwasang mag display ng mga inuming nakalalasing sa kanilang mga tindahan upang hindi matukso ang mga kostumer na uminom sa publiko.

Isang araw bago sumapit ang pambansa at lokal na halalan ay ipinagbabawal na rin ang pangangampanya. Wala ng kandidato o tagasuporta ang pinapayagan na magsagawa ng mga aktibidad sa kampanya. Ang sinumang lalabag sa panuntunang ito ay mahaharap sa election offense.

Maging sa araw ng halalan sa Mayo 9, ipatutupad ang pagbabawal sa mga aktibidad sa pangangampanya at pamamahagi ng mga campaign paraphernalia, lalo na sa loob ng mga voting center.

Magiging maingat ang PNP sa mga pagbabawal na ito at magiging alerto sa mga posibleng ulat mula sa mga mamamayan, ayon kay Danao.

Dagdag pa, hindi papayagang makapasok ang mga tauhan ng PNP sa mga lugar ng botohan sa araw ng halalan maliban sa mga kaso ng emergency sa mga pagkakataong hihingi ng tulong ang Electoral Board.

Tiniyak ni Danao sa publiko na titiyakin ng 225,000-strong police force ang mapayapa, maayos, at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 9.

Tiniyak ni Danao sa publiko na ang 225,000-strong police force ay ipapakalat upang magtaguyod ng mapayapa, maayos, at kapani-paniwalang halalan sa Mayo 9.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo