Sisimulan ng Comelec ang pagpapadala ng mga poll supplies, kagamitan sa Abril 2

0
429

Sisimulan na ang Commission on Elections (Comelec) ang pagpapadala ng mga kagamitan at suplay sa halalan bukas.

“Loading of the trucks that will be delivering the AES (Automated Election System) equipment and supplies to the various locations nationwide. So we’re starting the loading now. We are expecting it to be completed by around midnight tonight (Friday). And then, we will dispatch the trucks,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press briefing.

Sinabi niya na ang kaganapan ay bukas sa mga political parties, stakeholder, at mga miyembro ng media.

“The Comelec, chairman (Saidamen) Pangarungan has invited everyone to witness the sealing of these trucks so that you’ll see how we do that activity. So that’s the start of dispatching and after that, we will continue to dispatch our AES, paraphernalia will continue in the first week of April until it is brought to all places throughout the country,” dagdag niya.

Nilagdaan din ng poll body kaina ang isang memorandum of agreement sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa mga online na serbisyo sa Mayo 9, 2022 na botohan.

Pinirmahan ni Pangarungan at DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic ang kasunduan sa isang seremonya sa Okada Hotel sa Parañaque City.

Sa ilalim ng kasunduan, iho-host ng DICT ang Voter Registration Status Verifier na tutugon sa mga katanungan sa status ng rehistrasyon ng isang botante.

Kabilang dito ang mga precinct finder systems  kung saan maaaring ma-access ng mga llocal and overseas voters  kung aktibo ang kanilang mga registration records at kung makakaboto sila sa araw ng halalan.

Iho-host ng DICT ang online voter certification application, na magpapahintulot sa mga rehistradong botante na humiling ng pagpapalabas ng voter certification at magbayad online, at ang website ng mga resulta ng halalan, kung saan makikita ng publiko ang mga resulta ng mga botohan.

Comelec spokesperson James Jimenez (Photo credits: PNA)
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.