Siyam na pulis ng PRO4 CALABARZON, ginawaran ng Medalya ng Kasanayan at Pulis Magiting: Pilipinong Magiting Award

0
520

Calamba, Laguna. Ginawaran ng Medalya ng Kasanayan ni PB Gen Eliseo DC Cruz ang  siyam na tauhan ng Police Regional Office CALABARZON (PRO4 CALABARZON) dito kasabay ng flag raising ceremony na pinangunahan ng office of the Regional Operations Division (ROD) na pinamumunuan ni PCol Jacinto R. Malinao, Jr. 

Ang mga sumusunod na miyembro ng ROD ay sinabitan ni Cruz ng Medalya ng Kasanayan dahil sa kanilang direktang paglahok sa paghahanda at koordinasyon para sa ligtas na pagbabantay at iba pang may kinalaman sa pampublikong kaligtasan sa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy, certificate of nomination at Acceptance of CONA mula noong Oktubre 1-8, 2021.

PLTCOL Willy B. Salazar, PCPT Franco A. Atienza, PEMS Elena R. Genoso, , PCPL Christie Joy B. Ventula at NUP Rosemarie D. Velasco.

Ginawaran naman ng Certificate of Recognition ang mga pagkilala bilang Pulis Magiting: Pilipinong Magiting sina PCPT Rosalino E. Panlaqui, PCPL Wilfredo O. Payla, PCPL Shena Dee S. Escobido at PAT Cresyl S. Gutierez.

“Nais kong pasalamatan ang mga awardees at mga bagong hirang na Pulis Magiting: Pilipinong Magiting sa araw na ito sa patuloy na pagpapamalas ninyo ng kasipagan at determinasyon sa pagtupad sa inyong tungkulin. Nawa marami kayong mainspire sa mga mabubuting gawa ninyo para sa ating bayan”, ayon sa mensahe ni Cruz.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.