Small businesses, higit na tinatamaan ng krisis na dulot ng Covid-19

0
333

Alam natin na halos lahat ng negosyo sa buong mundo ay apektado ng krisis na dulot ng Covid-19. Ngunit higit na mahina ang small businesses sapagkat limitado ang kanilang cash reserves upang tukuran ang liquidity shortages na sanhi ng mga lockdown at restrictions ng pinaiiral sa bawat lugar, depende kung sa anong alert level nakailalim ang lugar na kinatatayuan ng negosyo.

Ang dagok ng krisis sa micro, small at medium-sized enterprises ay mas malala sapagkat masyado silang nadamay sa mga sektor na talagang tinamaan ng krisis kagaya ng food service, wholesale at retail services.

Hindi pa kasali sa kwenta ang mga pagkaluging dulot ng pansamantalang closure dahil sa hindi pagsunod sa preventive health measures. Sa mga nakaraang buwan, kapag may nakitang positive sa mga empleyado ay pansamantala munang isinasara ang negosyo. Hindi biro ang pagkaluging dulot nito sa mga maliliit at medium na kompanya.

Nakakadagdag din sa operating expenses ang mga bagong patakaran kagaya ng pagbibigay ng on-site na tirahan para sa mga empleyado at pagbili ng sanitizers at hand washing equipment para sa mga suki at tauhan. 

Salamat at unti unti ng bumababa ang kaso sa buong bansa. Ang panalangin ko ay huwag na sanang magkaroon ng bagong matapang na variant upang tuluyan ng makabangong ang ating ekonomiya.

Upang makaluwag sila at makabangon sa lalong madaling panahon, nawa ay bigyan ng pansin at pagtuunan ng pag aaral ng pamahalaan ang pagbibigay ng tax rate reduction, pagpapababa ng taxable income, pag aalok ng tax credit at tax refund sa micro, small businesses at medium-sized enterprises.

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.