Smart phones ng mga pulis sa Laguna, sinuri at inalam kung nagsusugal ng e-sabong

0
344

Sta. Cruz, Laguna. Sinuri ng ni Police Colonel Rogarth B Campo, Laguna Police Acting Provincial Director ang smartphones ng mga miyembro ng 1st Maneuver Platoon, 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company at tiningnan kung mayroon silang app ng e-sabong at alamin kung sila ay nalululong sa sugal na ito.

Sinabi ni Campo na ang mga pulis sa ilalim ng kanyang kampo na mapapatunayan na naglalaro ng e-sabong ay haharap ng naaayon sa patakaran ng Philippine National Police (PNP).

Nauna dito, iniutos ni PNP Chief Dionardo Carlos sa mga hepe ng PNP na suriin ang mga smartphone at gadget ng lahat ng tauhan ng PNP upang matiyak na hindi sila “adik” sa online na sabong o “e-sabong.”

Iniutos din ni Carlos sa lahat ng mga pulis na iwasan o itigil ang pagtangkilik sa e-sabong matapos mahuli ang isang pulis na nakatalaga sa Camp Crame sa akto ng pagsusugal habang naka-duty.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.