Smartmatic disqualified sa Comelec bidding, hindi kasali sa elections 2025

0
138

Diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) ang technology provider na Smartmatic sa proseso ng procurement kahit sila ang nagbibigay ng mga makina para sa automated elections mula pa noong 2010.

Sinabi ito ni COMELEC chairperson George Garcia sa X, dating Twitter, pagkatapos ng petisyon na isinampa dahil sa diumano ay “serious and material irregularities” sa pagpapadala at pagtanggap ng resulta ng eleksyon noong 2022.

“We disqualified smartmatic to participate in all COMELEC procurement,” ayo kay Garcia nitong Miyerkules.

Ang petisyon ay isinampa upang hilingin sa COMELEC na huwag payagang makalahok ang kumpanya sa public bidding para sa automated election system ng 2025.

Nauna dito, itinanggi ng Smartmatic ang mga akusasyon laban sa kanila, habang sinasabi na “premature” ang diskwalipikasyon na petisyon.

Kabilang sa mga nagpetisyon sina dating poll commissioner Augusto Lagman, dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio, retiradong Col. Leonardo Odoño, at dating Financial Executives Institute of the Philippines president Franklin Ysaac.

Ang petisyon ay inihain noong Hunyo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo