SMC, naglunsad ng programa para sa continuing education

0
416

Naglunsad ng isang youth development program ang San Miguel Corporation (SMC) na nakatuon sa mga bata mula sa mahihirap na pamilya na malapit sa mga planned development sites nito sa buong bansa bilang bahagi ng pangako nito na makatulong sa pagpapabuti ng pag-aaral at dagdagan ang kanilang mga pagkakataon sa buhay.

Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, ang SMC Educational Assistance Program ay makatutulong sa 292 elementarya, junior high, senior high at mga mag-aaral sa kolehiyo sa paligid ng mga komunidad na pinaglilingkuran nito sa Bulacan, Quezon province, Batangas, at General Santos City.

“Sustainability is a big part of not just our new projects, but all of San Miguel’s operations. For our communities, it is even more critical, that is why in the last couple of years, we have been very proactive in instituting social and environmental initiatives in our future project sites, long before any construction is done. These programs are part of our holistic approach to improving the lives of those who will be our future host communities and partners,” ayon kay Ang sa isang statement na ipinalabas kanina.

Sinimulan ang programa sa Sariaya, Quezon, kung saan ay nagtayo ang SMC ng isang modelo ng sustainable housing relocation village, may mga disaster-resilient homes, recreation and learning facilities, isang complementary fishermen’s dock at multi-purpose center, at isang pampublikong pamilihan na pinamamahalaan at pinatatakbo ng mga mangingisda at mga magsasaka-benepisyaryo ng nayon, ayon kay Ang.

Ang programa ay kasalukuyang pinakikinabangan ng 43 mga mag-aaral sa Sariaya, na ang mga magulang ay binigyan din ng SMC ng pagsasanay sa pagnenegosyo at iba’t ibang kasanayan, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Dahil sa tagumpay ng pilot program, inilunsad din ng kompanya ang SMC Education Assistance Program para sa 81 benepisyaryo sa Bulakan, Bulacan, kung saan nakatakdang itayo ang New Manila International Airport (NMIA).

Samantala, may kabuuang 129 na mag-aaral mula sa elementarya, junior high, senior high, at college level ang nakikinabang din sa nabanggit na programa sa Calatagan, Batangas.

“We are well aware of how difficult it is to pursue online learning during the pandemic. Experts point out to learning challenges like the lack of reliable internet connection, inadequate computer knowledge or equipment, loss of interest or motivation, stress, depression, distractions at home, and the lack of support system that is usually present in traditional school environment,” ayon kay Ang.

Kasama di sa nakaplanong agro-industrial complex ng SMC sa Sariaya ang isang brewery, grains terminal, feed mill, isang ready-to-eat food manufacturing plant, high-tech na poultry facility, isang fuel tank farm, at mga pasilidad sa daungan.

“Sana, maihanda natin sila para sa mas magandang kinabukasan, at para samantalahin ang mga pagkakataon sa hinaharap sa ating mga pag-unlad,” dagdag pa ni Ang.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo