Sol Aragones, kasado na sa labang gobernador

0
512
Sol-Aragones
Congresswoman Sol Aragones Giving a speech in Calamba, Laguna.

Calamba, Laguna – Naghain na ng certificate of candidacy (CoC) para sa labang gobernador ng Laguna si Laguna 3rd Distrcit Rep. Sol Aragones noong Oktubre 4, 2021. Kasamang naghain ng Coc ang kanyang running mate sa pagkabise-gobernador na si Jorge “Jerico” Ejercito, anak ni dating Laguna Gov. ER Ejercito at Pagsanjan Vice-mayor Maita.

Sa tatlong taong termino sa House of Representatives, kakampanya si Sol Aragones hindi lamang sa kanyang distrito maging sa buong probinsya ng Laguna bitbit ang kanyang #AlagangSol.

Ayon kay Aragones, “Iba ang opisina ngunit pareho ang adhikain: iangat ang buhay ng taga Laguna. Magbabago ang posisyon ngunit hindi magbabago ang layunin: tugunan ang pangangailangan ng ating kababayan.” 

Sinisigurado niya na ang mga botante ng Laguna ay makakaasa sa “Alagang Aragones-Ejercito”. 

Binigyang diin niya ang kanilang five priority areas bilang gobernador ay ang kalusugan, agrikultura, turismo, edukasyon at ang kapakanan ng mga senior citizen.

Bilang Chair of the House Committee on Tourism, ayon kay Aragones ay kailangan ng mga hakbang upang mas paigtingin pa ang mga tourism promotion efforts at mapaakas ang potensyal ng Laguna upang maging isang tourist destination sa bansa.

Ayon naman kay Jorge ejercito Hindi na siya baguhan sa larangan ng pulitika sapagkat ang kanyang pamilya nagmula kay dating Pangulong Joseph Erap Ejercito Estrada, Sen JV Ejercito, Sen Jinggoy Estrada, at ng Kanyang Amang naglingkod sa lalawigan ng Laguna bilang Gobernador at Mayor naman ang kanyang Inang si Maita Ejercito. Ayon sa kanya ay ipagpapatuloy niya ang mga programang nasimulan ng kanyang pamilya at palalaguin pa ang mga programa ng lalawigan.

Photo Credit: Sol Aragones Facebook Page

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.