Solante: Arcturus subvariant posibleng sanhi ng muling paglobo ng COVID

0
234

Posibleng dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ang Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus, ayon sa isang health expert noong Biyernes.

Ang ganito ring trend ay dati ng nangyari noong pumasok ang iba pang variants sa bansa–ang BA 2 noong 2022 at BA.4 at BA.5 noong 2023, ayon kay disease expert Dr. Rontgene Solante ng San Lazaro Hospital sa Maynila.

Inaasahan niyang ang bahagyang pagtaas ng mga kaso ay dulot ng XBB sublineage ng Omicron, ayon sa kanya.

“Whether it’s the XBB.1.5 or the XBB.1.16 or the other one is the XBB.1.9.1 – these are all variants of interest that there is always a possibility that they can cause increase in the cases among our population,” dagdag niya.

Nabanggit ni Solante na ang Arcturus subvariant ay “may growth advantage” kumpara sa iba pang Omicron subvariant.

Nangangahulugan na mas mabilis na dumapo sa katawan dahil sa mutations sa  spike protein, kaya mas mataas ang hawaan, paliwanag i Solante.

Gayunpaman, ang Arcturus subvariant ay hindi nakikitang magdulot ng mas matinding mga sintomas Covid-19, batay sa mga karanasan ng ibang mga bansa, ayon sa kanya.

Batay sa pinakahuling Covid-19 biosurveillance report ng Department of Health (DOH) may kabuuang 130 bagong kaso ng Omicron sub variants ang nakita sa Pilipinas. Ito ang resulta ng pinakabagong genome sequencing na sumasaklaw sa panahon ng Abril 12 hanggang 19.

Kabilang sa ulat ang nag-iisang XBB.1.16 mula sa Iloilo at gumaling na ang pasyente na ‘asymptomatic’ ayon sa DOH.

“From March 2023 onwards, XBB and its sub lineages were the most detected variant, comprising 63.06 percent of samples sequenced with assigned lineages, followed by the BA.2.3.20 and its sublineages,” ayon sa DOH .

Mula sa  130 kaso, 82 ang nauri bilang  XBB (kabilang ang 33 XBB.1.9.1 kaso, 24 kaso ng XBB.1.5 , at isang  kaso ng XBB.1.16 ), 30 bilang  BA.2.3.20, 12 na BA.5 (kabilang ang dalawang kaso ng BQ.1 ), tatlo bilang  XBC, at tatlo pang ibang  Omicron sublineages, ang pagtatapos ng DOH.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo