Nakasentro sa pangako na ipagpapatuloy ang kaunlaran at pagkakaisa ng paparating na Administrasyong Vic Belen Amante (VBA). Kung ano ang naumpisahan at iiwanang mga proyekto at programa ng kanyang anak na kanyang hahalinhan sa katanghalian tapat ng June 30, 2022, ay ipinangako na tatapusin ito para sa kapakinabangan ng mga kababayan.
Nahalal bilang kinatawan ng Ikatlong Purok ng Laguna si incumbent Mayor Amben Sahagun Amante at masasabing malaking tulong ito kay Mayor-elect VBA upang ipagpatuloy ang ‘Unity in Progress’ na sinimulan siyam na taon ang nakaraan.
Bagama’t wala pang opisyal na ipinapahayag kung sino-sino ang magiging bagong mga tauhan sa pagpapatakbo ng kanyang administrasyon ay inaasahang magiging madali ang pamamahala sapagkat ika-pito na niya itong termino bilang alkalde ng lungsod.
Maaaring may ilang babaguhin at idadagdag na mga programa’t proyekto ang papasok na administrasyon upang maging epektibo at napapanahon ang mga ito. At nangangahulugan na magkakaroon ng kaunting pagbabago ang sistema ng pagpapatupad at pagsasagawa ng mga ito.
Magkaganoon man ay abangan na lang ang pagsapit ng itinakdang araw ng turn over sa p’westong babakantehin ni Mayor Amben at pakinggan ang magiging opisyal na pahayag ng papalit na Alkalde VBA.
Abangan natin ang pagbabalik ng Agila.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.