Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador; uupong kalihim ng DepEd

0
208

MAYNILA. Opisyal nang nagbitiw sa pagka-senador si Sonny Angara, na nakatakdang umupo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Ang resignation letter ni Angara ay isinumite kay Senate President Francis “Chiz” Escudero at magiging epektibo simula Huwebes, Hulyo 18.

Ayon sa media relations chief ni Angara, opisyal na uupong Kalihim ng DepEd si Angara sa Biyernes, Hulyo 19.

Sa kanyang liham ng pagbibitiw, sinabi ni Angara, “I have served our countrymen through the Senate of the Philippines for 11 years. And in that period, I have been able to shepherd landmark legislation making quality education and healthcare more accessible; increasing the take-home pay of our workers; increasing the social pensions of senior citizens; exempting PWDs from VAT; giving incentives to our national athletes and coaches; and providing bigger support to Tatak Pinoy industries, among many others.”

Dagdag pa niya, “The portfolio that I will be taking on as DepEd Secretary is riddled with very serious challenges. But I am confident that with your support and of the rest of my colleagues at the Senate, these challenges are surmountable.”

Matapos ang kanyang dalawang termino sa Senado na nakatakdang magwakas sa 2025, ang paglipat ni Angara sa DepEd ay naganap bago pa man ang kanyang opisyal na pag-alis sa Senado.

Bago ang kanyang pag-alis, isinagawa ni Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang formal turnover ng posisyon kay Angara sa isang seremonya sa Pasig City.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo