SPC Health Office, mariing nakatutok sa pagsawata sa Dengue

0
511

Nakapagtala ng 193 Dengue cases ang San Pablo City mula January 9 hanggang June 9, 2022. Dalawa sa mga dinapuan ng Dengue ang hindi pinalad makaligtas – isang batang lalaki na 10 taong gulang sa Barangay Sta Isabel at isang 9 anyos na batang lalake sa Barangay Sta Maria, ayon kay San Pablo City Assistant Health Officer Dr. Mercydina Abdona Mendoza-Caponpon.  

Sa talaan ng San Pablo City Health Office, kasama sa top 10 barangays na nagkaroon ng maraming kaso ng Dengue ang: 1.Del Remedio, 2. San Lucas II 3.Sta Isabel 4. San Francisco 5. San Jose 6. San Buenaventura 7. San Ignacio 8. San Roque 9. Concepcion at 10. San Gregorio.

Dahil 53 sa 80 barangay ng lungsod ang nagkaroon ng mga kaso ng Dengue, higit na pinag ibayo ng mga tauhan ng City Health Office ang surveillance sa mga ospital ng lungsod partikular sa mga Out Patient Department (OPD) upang agad alamin kung may naitalang kaso ng dengue. Sakaling may makita ay agad magsasagawa ng imbestigasyon at tutukuyin ng CHO at Cesu Team ang lugar para kontrolin agad ang posibleng panganib at paglaganap ng mga kaso.

Bawat miyembro ng pamilya ng biktima ng dengue ay tintiyak nilang negatibo sa karamdaman ito kaalinsabay ng pagbibigay ng mga payo’t kaalaman hinggil sa dengue at pag iwas sa sa sakit na ito.

Hindi dito natatapos ang mga pagkilos ng CHO. Isa-isa nilang  tutukuyin ang mga apektadong barangay at magsasagawa ng house to house dissemination; health conference; search and destroy identifying containers at houses with ‘kiti-kiti’; identification of dengue sensitive houses index and bretan index; application of larvicidal kitikiti to stagnant water and high risk sites; schedule fogging activities; pananawagan sa pamamagitan ng public address system; distribution ng mga posters sa bawat barangay; pagpopost ng mga dengue advisory sa social media at mga lokal na pahayagan, pakikiisa at pakikipag ugnayan sa Liga ng mga barangay, cleanliness drive in community at marami pang ibang gawain upang mapapababa at ganap na mawala ang dengue cases sa lungsod.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.