SPC Health Officer James Lee Ho, nagpapayong kumuha na ng booster dose ang mga kwalipikado

0
249

Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na ang lahat ng brand ng bakuna at ang booster dose ay nagbibigay ng malaking proteksyon laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), kabilang ang mas mabilis makahawang Omicron variant.

Kaugnay nito, hinihikayat ni San Pablo City Health Officer Dr. James Lee Ho ang mga kwalipikadong indibidwal na kumuha na ng kanilang booster dose.

Sa isang pampublikong advisory, binanggit ni Dr. Lee Ho na ang mga taong nakatapos ng kanilang pangunahing serye ng mga Covid-19 jabs ay maaaring ma- inoculate ng mga sumusunod na tatak anuman ang mga bakuna na ginamit sa unang dalawang dosis.

Upang makasali sa schedule ng booster dose sa Disyembre 27, 2021 na isasagawa sa mga vaccination sites sa SM San Pablo at Mega Vax sa San Pablo Convention Center sa lungsod, mag rehistro sa link na ito:
TINYURL.COM/SANPABLO1STDOSE / TINYURL.COM/SANPABLOBOOSTERDOSE

Dalhin ang inyong COVID-19 Vaccination Record card sa appointment sa booster shot.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.