SPC Unity Walk: Interfaith Prayer Rally and Peace Covenant Signing, idinaos

0
789

San Pablo City, Laguna. Idinaos sa lungsod na ito kaninang umaga ang Signing of Peace Covenant for Secure, Accurate, Free/Fair Elections (SAFE) 2022 na may sub title na Unity Walk: Interfaith Prayer Rally and Peace Covenant Signing sa layuning makapagtaguyod ng ligtas na local at national elections.

Dumalo dto ang mga opisyal at miyembro ng San Pablo City Police Office, Department of Interior and Local Government, Comelec, mga religious groups, NGOs, volunteer groups, at mga lokal na kandidato na naglakad patungo sa San Pablo City Cathedral kung saan ay ginanap ang isang programa. 

Nanguna sa parada sina San Pablo City Police Chief Garry C. Alegre, Laguna Election Office Atty Patrick Arbilo at DILG-City Local Government Operations Officer Ma. Alma L. Barrientos kasama ang iba pang lokal na opisyal ng mga ahensya na may kinalaman sa halalan.

“Ang SAFE 2022 po ay bahagi ng programa ng PNP na naglalayong makapagtaguyod ng malinis, ligtas at mapayapang lokal na halalan San Pablo City. Sana po ay sumunod tayo sa mga guidelines na itinakda ng Comelec upang maitaguyod po natin ang safe, fair and peaceful electons sa darating na Mayo 9. Nagpapasalamat po ang kapulisan sa lahat ng nakilahok sa Peace Covenant na ito,” ayon kay San Pablo City Police Chief PLTCol Garry C. Alegre.

Dumalo din sa SAFE NLE sina dating San Pablo City Mayor Vicente B. Amante at dating Board Member Najie Gapangada, ang dalawang kandidato sa one-on-one na laban sa mayoralty race sa nabanggit na lungsod.

Nakita rin ng Tutubi News Magazine na nakilahok sa parada si City Councilor Carmela Acebedo na tatakbo sa ikalawa niyang termino bilang konsehal.

Sumama din ang ilang bagong kandidato kagaya ni Ambo Amante na tatakbo sa unang pagkakataon bilang konsehal sa nabanggit na lungsod.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.