‘Special arrangement’ sa Tsina sa Scarborough Shoal, itinanggi ng PCG

0
174

MAYNILA. Itinanggi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes ang anumang ‘temporary special arrangement’ sa Tsina sa Bajo De Masinloc, na mas kilala bilang Scarborough Shoal.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG, mariin niyang tinanggal ang anumang impluwensya ng mga pekeng kwento mula sa Tsina na naglalayong linlangin ang mamamayan at ilihis ang usapin mula sa tunay na pang-aapi at aksyon ng Tsina sa Bajo De Masinloc.

Hindi rin kinikilala ng Pilipinas ang 12-nautical-mile “red line” sa Scarborough Shoal na inaangkin ng Tsina batay sa diumano ay “temporary special arrangement” noong 2016.

“I only emphasized that those lines are not recognized by the Philippine government, and it does not actually exist. We have successfully proven that it is merely a product of their imagination,” pahayag ni Tarriela.

Ayon pa kay Tarriela, ipinapakita nila sa buong mundo na ang mga linyang ito na iginuhit ng mga bansang bully tulad ng Tsina ay walang basehan at ginagamit lamang upang takutin ang Pilipinas gamit ang kanilang mas malalaking barko ng coast guard at maritime militia.

Sa isang pahayag noong Huwebes, iginiit ng Chinese Embassy sa Maynila na noong 2016 na mayroong temporary special arrangement sa Scarborough Shoal para sa mga mangingisda at iba pang ahensya ng Pilipinas.

“While the AFP, PCG, and other Philippine government vessels and aircraft should refrain from entering the 12 nautical miles and corresponding air space of Huangyan Dao,” sabi ng embahada.

Inihayag din ng Tsina na mayroon silang arrangement para sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal pati na rin ang “Gentlemen’s Agreement, Internal Understanding, at New Model” sa Pilipinas.

Ngunit mariin itong itinanggi ng mga opisyal ng Pilipinas at mariing kinumpirma na pawang walang katotohanan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.