Staff ng Congressman sa Batangas, nabiktima ng motocycle-riding murderers

0
211

BALAYAN, Batangas. Patay ang dating driver-aide na naging staff ng isang kongresista matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bayang ito noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police chief Major Domingo Ballesteros Jr.ng Balayan Municipla Police Station ang biktima na si Edgardo Sanbuenaventura Jr., 51 anyos na residente ng Brgy. District 10, Balayan, Batangas. Siya ay nagtratrabaho sa lokal na tanggapan ni 1st District Batangas Rep. Eric Buhain sa Batangas 1st district.

Si Sanbuenaventura ay idineklarang dead-on-the-spot sa insidente dahil sa 11 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Ballestero., nagmamaneho ng kanyang motorsiklo si Sanbuenaventuera at pauwi na sa kanyang bahay nang bigla siyang magdesisyon na bumalik upang bumili ng pizza para sa kanyang pamilya sa isang pizza store malapit sa talipapa sa Barangay Ermita-Calzada noong Biyernes ng alas-4:55 ng hapon.

Nang makababa ang biktima sa kanyang motorsiklo at naglalakad na papunta sa pizza stall, dalawang hindi kilalang armadong lalaki na lulan ng motorsiklo ang bumuntot sa kanya at saka siya pinagbabaril nang malapitan.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang get-away motorcycle.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 11 empty shells o bala ng cal. 45 pistol at pito pang slugs.

“Tinitingnan namin ang ‘personal grudge’ bilang motibo sa pagpatay. Mukhang may matinding galit ang mga suspek, tinadtad ng bala ang biktima,” ayon kay Ballesteros.

Sinabi pa ng opisyal na nagsasagawa sila ng re-tracking investigation, kabilang ang paghahanap at pagkalap ng close-circuit television (CCTV) na nakakabit malapit sa crime scene at sa labas ng area para sa video footages na maaaring nakahagip sa mga suspek upang sila ay matukoy at mapanagot sa krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.