Staff ng dental clinic patay sa riding-in-tandem suspects

0
319

Tanauan City, Batangas. Patay ang 30 anyos na babae na nag­tatrabaho sa isang dental clinic matapos barilin ng riding-in-tandem suspects habang sakay ng tricycle sa Brgy. Santor, sa lungsod na ito noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Col. Pedro Soliba, direktor ng Batangas Provincial Police Office, papasok sa trabaho ang biktima na kinilalang si Keensha Anne Pamplona, isang dental clinic staff, sakay ng tricycle nang bigla silang harangin ng dala­wang suspek na magka angkas sa motorsiklo bandang alas  9 ng umaga.

Isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima ng tangkain nitong manlaban at hindi ibigay ang kanyang bag.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek. Isinugod sa Laurel District Hospital ang biktima subalit nasawi habang ginagamot.

Narekober ng mga pulis sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre 45.

Sinabi ni Soliba na may lead na ang intelligence team ng Tanauan City Police Station at sinisilip ang “love triangle” laban sa anggulo ng “robbery holdup” bilang motibo sa krimen.

Naniniwala ang mga imbestigador na ang mga suspek ay mga hired killers na nabayaran para itumba ang biktima, ayon kay Soliba.

“We’re able to identify the brain behind the killing of Pamplona after the assailants got only the victim’s cellphone not her belongings and cash money,” ayon sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.