State funeral ni Queen Elizabeth II, gaganapin sa Setyembre 19

0
175

London. Gaganapin sa Westminster Abbey Setyembre 19 ang state funeral ni Queen Elizabeth II, ayon sa pahayag ng Buckingham Palace noong Sabado.

“The State Funeral of Her Majesty The Queen will take place at Westminster Abbey on Monday 19th September at 1100hrs BST,” ayon sa pahayag.

Ang araw ng state funeral ay magiging isang bank holiday pagkatapos aprubahan ni King Charles III ang isang utos.

Ang publiko ay maaaring magbigay ng kanilang paggalang dahil ang reyna ay ibuburol sa Palasyo ng Westminster sa loob ng apat na araw, mula Setyembre 14 hanggang sa umaga ng libing.

“Prior to the State Funeral, The Queen will Lie-in-State in Westminster Hall for four days, to allow the public to pay their respects,” ayon pa rin sa statement.

Ang kabaong ng reyna “ay maglalakbay mula sa Scotland sa pamamagitan ng eroplano ng Royal Air Force mula sa Edinburgh Airport” patungong London sa Setyembre 13, dagdag pa nito.

Ang mga detalye ng libing ay inilabas noong Sabado at ang yumaong reyna ay kinonsulta sa lahat ng mga plano bago siya pumanaw.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.