Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang street level drug personality at nakumpiska sa kanya ang Php 40,800.00 na halaga ng shabu sa anti-illegal drugs buy-bust operation na inilatag ng Sta Cruz Municipal Police Station (MPS) kahapon.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO ang suspek na si Mark Janery Reyes, 22 anyos na residente ng Brgy. Sto. Angel Central, Sta. Cruz, Laguna.
Nakumpiska sa suspek ang apat na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na anim na gramo at may street value na PhP 40,800 pesos,
Nasa pangangalaga ngayon ng Sta Cruz MPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Art. 2 ng RA 9165 na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Laguna PNP will continue to jailed druggies’ personalities; it is one of my priorities to prevent crimes wherein the suspects were under the influence of illegal drugs,” ayon kay Silvio.
Samantala, sinabi naman ni CALABARZON Regional Director PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. na hindi nya papayagan ng PNP Calabarzon na maging pugad ng mga kriminal ang “PNP CALABARZON. “ I have instructed all the police throughout the region to strengthen the campaign against drugs and criminality,” ayon sa kanya.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.