Striegl, muling lalaban matapos matalo noong 2020

0
431

Babalik sa octagon ang mixed martial arts (MMA) star na si Mark Striegl kung saan ay makakalaban niya ang beteranong Amerikano na si Chas Skelly sa “UFC (Ultimate Fighting Championship) Fight Night: Dos Anjos vs. Fiziev” sa Pebrero 20 (Philippine Time) sa UFC Apex sa Las Vegas, Nevada.

Si Striegl ay anak ng isang Pilipinong ina at American-German na ama. 

Lalaban si Striegl sa unang pagkakataon mula noong matalo siya sa UFC kay Said Nurmagomedov ng Russia noong Oktubre 2020.

Parehong nakakuha si Striegl at ang URCC featherweight champion na si Skelly ng 18-3 win-loss record.

Labing-apat sa mga tagumpay ni Striegl ay sa pamamagitan ng pagsuko ng kalaban.

“I am super excited about this fight,” ayon kay Striegl sa isang online interview noong Huwebes.

Ang 33-taong-gulang na Striegl ay lalaban sana noong nakaraang taon ngunit nagtamo siya ng injury dahil sa training. 

Maayos na ang kanyang kalagayan at hindi  kailanman nagkasakit ng Covid-19 habang nasa pagsasanay sa Peoria, Arizona kasama ang sikat na MMA coach na si George Castro.

Balak bawiin ni Striegl ang kanyang winning streak matapos maputol ang kanyang four-game run ay naputol ni Nurmagomedov, na nagpatumba sa kanya sa loob lamang ng 51 segundo sa UFC Fight Island 6 sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo