Sumasaludo at nagpapasalamat sa unang araw ng new normal na buhay

0
711

Bukod sa mag-amang Amben at Vic Amante, kung may unang dapat saluduhan at pasalamatan sa lokal na pamahalaan  dahil napagtagumpayan ang pakikibaka laban sa malawakang paglaganap ng Covid-19 ay walang iba kundi si concurrent Chief of San Pablo City General Hospital and City Health Officer Dr. James Lee Ho .

Si Dr, James ay isang doktor mula sa pribadong sektor na nakumbinsi na maglingkod sa lokal na pamahalaan upang mag ambag ng makabagong kaalaman sa medisina.

Maaaring hindi naging madali para kay Lee Ho ang pagtanggap sa alok na pamunuan ang SPCGH at SPCHO.  Isa siyang surgeon at company doctor ng isang malaking kompanya bukod pa sa may sariling klinika at kapitalista. Hindi ganun kadaling iwan ang matagumpay na private practice na malaki ang kita kung ikukumpara sa sweldo ng isang public doctor.

Ang Seven Lakes Press Corps (SLPC) ang unang nakapanayam kay Dr. James noong katatalaga pa lamang niya bilang city health officer.

“Gusto ko lang ibalik sa San Pablo ang mga pagpapalang aming natanggap mula Diyos at mga kababayan. Hindi mararating ng aming pamilya ang katatayuan namin sa ngayon kung hindi dahil sa mga biyaya at pagtitiwala bilang pribadong doktor. Panahon na upang kami naman ang magbayad ng utang na loob sa San Pablo City. Hindi fame, power, glory o money ang hangad kaya  tinanggap ang trabahong ito. Ang maging bahagi ng magandang hangarin ng administrasyong Amante na mapangalagaan ang buhay at kalusugan ng bawat San Pableño ang nagtulak upang tanggapin ko ang inialok na hamon,”ayon kay Lee Ho.

Hindi kayang isa-isahin ang mga pagpapatotoo na binanggit ng mga kababayan na nakadama sakahusayan ng Administrasyong Amben at Vic Amante, ng Sangguniang Panglungsod at mga frontliners ng LGU San Pablo upang mapagtagumpayan ng ilang ulit ang pandemyang Covid-19. Si Dr. James Lee Ho ang kanilang naging pangunahing instrumento upang mas maagap na maisakatuparan ang mga accomplishments na tinatamasa ng lungsod kung ang pangangalaga sa kalusugan at buhay ang pag uusapan.

Sumasaludo at nagpapasalamat kay Dr. James Lee Ho sa unang araw ng paggalaw sa bagong normal na pamumuhay.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.