Sumukong suspek sa triple murder sa Tagaytay hotel, kinasuhan na ng robbery with multiple homicide

0
262

TAGAYTAY CITY. Kinasuhan na ng robbery with multiple homicide ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa isang Australian couple at isang babae sa lungsod na ito sa Cavite.

Ayon kay Col. Eleuterio Ricardo Jr., Cavite police director, ang motibo ng suspek ay pagnanakaw. Ang mga biktima ay sina David James Fisk, 57, ang kanyang asawa na si Lucita, 55, at kanilang anak na si Mary Jane Cortez, 30. Ang tatlong biktima ay nasa room 103 ng The Lake Hotel kung saan nakapasok ang suspek sa pamamagitan ng bintana.

Sa imbestigasyon, lumabas na nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at si Fisk habang tinatakpan ng packaging tape ang bibig ng dalawang babae. Sa gitna ng kaguluhan, ginilitan ng suspek ang leeg ng mga biktima.

Ayon sa mga awtoridad, ang motibo ng suspek ay pagnanakaw. Hindi ang naiulat ang pinaghihiganti nito dahil sa pagkakatanggal sa trabaho sa isyu ng pagnanakaw sa isa sa mga kuwarto ng hotel at ang hindi pagbibigay ng backpay ng hotel management.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye ng insidente upang matiyak ang katarungan para sa mga biktima.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.