Mataas na Kahoy, Batangas. Hinuli ng Traffic Police ang isang army corporal matapos itong magwala at manutok ng baril dahil hindi nakasingit sa trapiko ang kanyang sasakyan sa Brgy, 1, Poblacion, bayang ito.
Kinilala ang suspek na si King Edward Reyes, 42, may-asawa, residente ng Agoncillo Batangas at regular na miyembro ng Philippine Army.
Kinumpiska kay Reyes ang isang cal.45 pistol na ginamit nito sa panunutok sa isang driver na kinilalang si Raul Felimon Solis, 55 anyos, na ayon sa suspek ay humarang sa kanyang dadaanan.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, parehong naipit ang mga sasakyan ni Solis at Reyes sa gitna ng traffic sa gitna ng selebrasyon ng fiesta sa nasabing barangay. Dahil sa hindi makausad ang sasakyan ng suspect, bumusina ito ng sunod sunod at ng hindi makasingit ay bumaba ito at tinutukan ng baril si Solis, driver ng sinusundan niyang sasakyan.
Mabilis na rumesponde ang mga nakatalagang pulis at mga enforcers at dinisarmahan ang nagwawalang sundalo.


Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.