Sunog sa San Pablo City sa araw ng Pasko: Babae patay

0
354

SAN PABLO CITY, Laguna. Naganap ang isang sunog sa Paulino St., Barangay VII-D, sa lungsod na ito noong araw ng Pasko na ikinamatay ng isang babae.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection-San Pablo City ang biktima ngunit hindi papangalanan ng Tutubi News sa kahilingan ng pamilya. Ayon sa ulat, ang sunog ay nagsimula bandang alas-3 ng madaling araw.

Agad na tumugon ang kalapit na fire brigades, kabilang ang Seven Lakes Fire Volunteers kasama ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagsusumikap, nakontrol ng mga bumbero ang sunog bandang alas-5:20 ng umaga. Subalit, sa kasawiang-palad, natagpuan ang labi ng biktima sa nasunog na bahay.

Si Senior Fire Officer 3 Jeffrey Calabia ang namahala sa pagkuha ng mga labi ng biktima. Gayunpaman, hindi pa natutukoy ng mga arson investigators ang eksaktong sanhi ng sunog at saklaw ng pinsala.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.