Super typhoon Betty posibleng pumasok sa PH

0
1046

Nagbabala ang Weather Bureau hinggil sa isang binabantayang tropical storm (TS) sa silangan ng Mindanao na maaaring maging isang super typhoon at pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na linggo.

Ang TS ay huling nakita 2,525 kilometro silangan ng Mindanao, labas pa rin ng PAR, at kasama sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) – isang lugar kung saan nagtatagpo ang hangin mula sa hilagang-silangan at timog-silangan upang magbunsod ng mga ulap at pag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

May maximum sustained wind itong 45 kilometro bawat oras (kph) at pagbugso na 55 kph ang TS.

Kumikilos ito patungong hilaga sa 20 kph at inaasahang magpapatuloy sa hilagang-kanluran patungo sa Guam sa Linggo, at pagkatapos sa hilagang-kanluran sa Miyerkules.

Kapag patuloy ang paglalakbay nito patungong hilagang-kanluran, inaasahang papasok ito sa PAR sa Biyernes o Sabado ng susunod na linggo.

Kapag pumasok ang TS sa monitoring area ng bansa, ito ay bibigyan ng pangalang Betty, ang ikalawang tropical cyclone para sa taong 2023 at ang unang cyclone para sa buwan ng Mayo.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo