Suspek na child molestor, tinugis ng Laguna PNP

0
256

Sta. Cruz, Laguna.  Nasakote sa isang manhunt operations ang number 9 Most Wanted Person sa Laguna na may kasong 5 counts ng paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Nadakip si Nathaniel Velasco, 44 anyos na salesman, may asawa at naninirahan sa Brgy. Tuntungin-Putho, Los Baños, Laguna sa ilalim ng pagtugis na isinagawa ng  mga tauhan ni Los Baños Municipal Police Station (MPS) Chief  PLTCOL Louie D. Dionglay kahapon.

“The State provides special protection to children from all forms of abuse, neglect, cruelty exploitation and discrimination; thus, that the law shall pursue abusers at all cost to make them answer for their offense,” ayon sa mensahe ni Laguna Provincial Police Office  Director PCOL Rogarth Campo.

Ang nahuling akusado ay kasalukuyang nakapiit sa Los Baños MPS habang inaabisuhan ang kote na nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.