Suspek na gunrunner, arestado

0
215

Calauan, Laguna Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Laguna 3rd District Provincial Intelligence Unit (PIU) at mga tauhan ng Calauan Municipal Police Station ang isang suspek sa aktong nagbebenta ng Illegal na baril sa isinagawang buy bust operation ng hapon noong Pebrero 2, 2022 sa National Housing Authority Site, Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.

Ang suspek na kinilalang si Raymundo Ellerma Belen, Jr. ay inaresto sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Violation of the Omnibus Election Code (Gun Ban).

Nakumpiska sa suspek ang isang unit cal. 22 revolver; isang shotgun at mga bala.

“We will see to it that incidents such as this one will be immediately address to avoid any circumstances involving shooting incidents in the midst of election period. Sisiguraduhin natin na ang mga insidenteng tulad nito ay matutugunan kaagad upang maiwasan ang anumang mga pangyayari na may kinalaman sa mga insidente ng pamamaril sa gitna ng panahon ng halalan,”  ayon kay PRO Calabarzon Regional Director, PBGEN Antonio C Yarra.

Kaugnay nito, iniutos ng direktor sa mga tauhan ng PRO Calabarzon na doblehin ang pagsisikap upang matiyak na ang darating na halalan ay magiging ligtas, mapayapa at matagumpay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.