Suspek na tumangay ng milyon milyong pisong investment sa bigas, arestado

0
377

Silang, Cavite. Natimbog sa isang entrapment operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG- Cavite) ang matagal ng pinaghahanap na suspect na sangkot sa investment scam sa Silang, Cavite kahapon.

Kinilala ng pulisya ang suspect na si Arlene Acuna Nocum, 35 anyos na residente ng Brgy. Toclong sa nabanggit na bayan.

Si Nocum, ayon sa pulisya ay tumangay ng mahigit 50 milyong pisong investment ng mga rice traders mula sa Cavite sa modus na may kapalit na libong sako ng bigas at 20 percent interest kada buwan.

Sa ibinigay na pahayag ni PLt.Col. Benedict Poblete, hepe ng Cavite CIDG, ang suspect ay subject of complaint ng mga negosyante ng bigas sa lalawigan ng Cavite na hiningan ni Nocum ng milyong piso bilang down payment sa investment sa bigas.

Idinagdag pa ni Poblete na kinukunan ng picture ni Nocum ang libo libong sako ng bigas na nakaimbak sa mga bodega ng mga lehitimong tice traders at ipinakikita sa kanyang Facebook na siyang naka engganyo sa mga biktima.

Ayon sa pahayag ng walo sa sampung naghain ng reklamo laban kay Nocum, wala itong nai deliver kahit isang butil na bigas sa kanila.

Ang pagdakip sa suspect ay resulta ng mahigit isang buwan pagmo-monitor sa galaw ng suspect at kung saang bahay ito umuuwi. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Imus City Police Station ang scammer habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.