Suspek na umagaw ng baril at pumatay sa pulis ng Pangil, arestado na

0
545

Paete, Laguna. Arestado sa isang hot pursuit operations ang suspek na nang agaw ng baril na nagsanhi ng pagkamatay ni Police Chief Master Sergeant (PCMS) Gilbert Briz ng Pangil Municipal Police Station.

Nauna dito, ang Pangil Municipal Police Station, ay nagsagawa ng anti-illegal gambling operation at nag raid ng mga tupadahan noong umaga ng Abril 3, 2022 sa Brgy Sulib, Pangil Laguna at inaresto si Ronilo Oliveros Ruben alyas Babap, 33 anyos na welder at dalawang iba pang nahuli sa aktong nagtutupada.

Sa nabanggit na raid ay nanlaban ang suspek na si Ruben at inagaw nito ang service firearm arresting officer at binaril si PCMS Briz na nagresulta sa ang agad nitong pagkamatay. Tumakas ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Agad naman iniutos ni Ison sa mga Chief of Police ng Pangil, Siniloan, Paete at Mabitac Municipal Police Stations na magsagawa ng follow-up at hot pursuit operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek noong Abril 3, 2022, sa Brgy 4 Quinale, Paete, Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio Ramos Ison Jr kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio Candido Yarra.

Narekober sa possession ng suspek ang service firearm ng biktima.

Samantala, malakas na kinokondena ng buong pamunuan ng Laguna Police Provincial Office at ng buong PNP ang nabanggit na pagkakapatay sa naturang arresting officer.

“Laguna PNP extend our deepest condolences to the family of PCMS Briz, rest assured that we will immediately provide the needed financial support and other social benefits for his family,” ayon sa mensahe ni Ison.

Nadakip sa Paete, Laguna si Ronilo Oliveros Ruben, ang suspek na umagaw ng baril at pumatay kay Police Chief Master Sergeant (PCMS) Gilbert Briz ng Pangil Municipal Police Station sa ilalim ng isang hot pursuit operations. Photo credits: Laguna PPO
Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.