Suspek sa pagpatay kay Daguisin, nahuli na ng mga awtoridad

0
1142

Kilala na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas na natagpuang walavng buhay sa loob ng kanyang kwarto sa isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite.

Batay sa inilabas na report ng Dasmariñas City Police Station (CPS), kinilala ang suspek na si Angelito Erlano y Lacerna, alias Kulet, na residente ng Brgy San Nicolas 2, ng nabanggit ding lungsod.

Si Erlano ang suspek sa pagpatay kay Queen Leanne Daguinsin, 22, isang Computer Science student ng DLSU, na natagpuang patay at may 14 na tama ng saksak sa kanyang katawan bandang 4:40 ng hapon noong nakaraang Sabado sa loob ng Rolisa Dormitory na matatagpuan sa Blk 6 Lot 5 Brgy Sta Fe, Dasmariñas City Cavite.

Ang pagtukoy sa pagkakakilanlan sa suspek ay bunga ng isinagawang hot pursuit operation ng Dasmariñas CPS at Cavite Police Intelligence Unit base sa tulong ng backtracking ng closed-circuit television (CCTV) footages kung saan natagpuan ang bahay nito sa Brgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City.

Narekober sa lugar ang suot ng suspek sa pinangyarihan ng krimen na itim na shorts na may white stripe, blue t-shirt na may trademark na Eagle at isang itim na backpack na hinihinalang gamit ng biktima.

Ayon naman sa mga kamag-anak ng suspek, hindi na umano ito umuwi sa kanilang lugar dahil itinakwil na ng kanyang pamilya matapos nitong abusuhin ang inaanak ng kanyang tiyuhin.

Nauna dito, mahigit sa P1,100,000 halaga ng reward o patong sa ulo sa makapagbibigay ng impormasyon sa pagkikilanlan sa suspek mula kina Governor Jonvic Remulla (P300,000); Senator Bong Revilla (P300,000); City Government ng Dasmarinas City (P300,000) at tig-P100,000 mula kina Mayor Jenny Barzaga at Congressman Pidi Barzaga.

Napag-alaman din na may pending na kasong robbery ang suspek noong nakaraang taon. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.