Suspek sa pagpatay na sangkot sa serye ng pagnanakaw, arestado

0
414

Silang, Cavite. Arestado sa isang raid sa lungsod na ito ang isang suspek sa pagpatay na sangkot din sa serye ng pagnanakaw sa mga Seven Eleven stores at nambiktima ng mahigit 20 Indian national.

Hindi nanlaban ang security guard na si Victorious Baylosis, 29 anyos, alyas Victor, ng arestuhin matapos makorner ng elemento ng Regional Mobile Force Battalion 4a sa kanyang tirahan sa Brgy. Yakal, Silang, Cavite, ayon sa report ni Lt. Col Agosto Asuncion, RMFB4A commander, kahapon.

Nasakote ang suspek sa ilalim ng operasyon na pinamunuan ni Executive Master Sergeant Paquito Chan Jr. armado sa bisa ng ng warrant of arrest para sa robbery with violence against or intimidation of person. 

Sinabi ni Chan na ang suspek ay may nakabinbin na kasong pagpatay na isinampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Imus City at may iskedyul para sa isang preliminary hearing sa Oktubre 6, 2022.

Ang akusado ay ni-raid sa isa sa kanyang tirahan noong Sept 22 ng Cavite Intelligence Unit ngunit nakatakas.

“The suspect was among the armed men robbed the 7/11 convenient store not only in Silang but also nearby towns and more or less 20 Indian national engaged in lending money known as 5-6 scheme were victims of intimidation or threat,” ayon kay Chan.

Nasa kustodiya ng pulisya sa Silang ang akusado para sa profiling at pagbabalik ng warrant sa court of origin para sa tamang disposisyon.

Ang akusado ang number 6 most wanted persons sa ilalim ng provincial level sa lalawigan ng Cavite, ayon pa rin kay Chan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.