Suspek sa pagpatay sa 2 babae sa Quezon, arestado sa isang mansion sa Tagaytay

0
449

Camp Vicente Lim, Laguna. Nadakip ng mga awtoridad kahapon sa pinagtataguan nilang mansion sa isang eksklusibong subdibisyon sa Tagaytay City ang tatlong lalaking suspek sa pagpatay sa dalawang babae sa Tiaong, Quezon.

Nadakip sila tatlong araw matapos pagbabarilin at mapatay ang dalawang babae sa nabanggit na bayan.

Kinilala ni PBGeneral Jose Melencio Nartatez Jr., Calabarzon police director, ang mga suspek na sina Danny de Guzman, 39 anyos na driver ng getaway car; Randy Malabanan, 44 anyos na hinihinalang gunman at Totie Laigo, businessman na diumano ay paulit- ulit na bumaril sa mga biktima.

Ayon sa record ng pulisya, tatlong kalalakihan ang pwersahang pumasok sa boarding house ng mga biktima na sina Lanie Caya, 26 anyos na residente ng Brgy. San Juan at Jessica Tambado, 28 anyos ng Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon, kung saan naganap ang pamamaril. .

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng San Pablo City ngunit mabilis na nagresponde ang Tiaong Municipal Police Station intelligence unit at nagkasa ng hot pursuit operation.  Gamit ang ng kopya ng mga cctv footage sa lugar, natunton ang mga pulis ang tatlong suspects sa mansion ng negosyanteng si Laigo.

Sa isinagawang interogasyon ng mga pulis, lumalabas na love triangle ang motibo ng krimen. Ayon sa mga salaysay ni Laigo, binaril at pinatay niya si Cayo dahil matapos nitong makuha ang kanyang tiwala, milyon milyong pera at isang parsela ng lupa mula sa kanya ay pinagpalit  siya nito sa mas batang karelasyon.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang dalawang Glock 40 pistol at isang Super .22 na ayon sa pulisya ay posibleng ginamit sa krimen.

Nakakulong ngayon sa Police custodial facility ang mga inarestong suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.