Suspek sa pagpatay sa dalagita sa Cavite, arestado na

0
331

Nahuli na ang suspek sa pagpatay sa isang dalagitang natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires, Cavite.
Sa ulat ng Trece Martires Municipal Police Station, nadakip ng mga pulis ang suspek na si Elden Alegria, 33, nitong Miyerkules sa Sitio Aldaba Hills, Brgy. Manuyan, San Jose Del Monte, Bulacan.

Kasama rin sa nadakip sina Joy Alegria, 37, at Pepito Baluran, 51, dahil sa pagtulong umano kay Elden sa pagtatago.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang tatlo at hindi nagbigay ng pahayag.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.