Suspek sa pagpatay sa live-in partner sa Laguna arestado

0
362

Bay, Laguna. Arestado sa loob ng 48 oras ang suspek na pumatay sa kanyang live-in partner noong Oktubre 5, 2022 sa Brgy. Tranca, bayang ito.

Sa ilalim ng isinagawang hot pursuit operation ng mga miyembro ng Bay Municipal Police Station (MPS) sa Dau, Mabalacat, Pampanga noong Oktubre 6, 2022, nadakip si Ramy Maderse Dago, 47 anyos, tubong Janiuay, Iloilo na suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner.

Ayon sa ulat ng Bay MPS, agad na tumakas ang suspek na si Dago sa pinangyarihan ng krimen bitbit ang baril na ginamit sa pagpatay matapos barilin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos makatanggap ng impormasyon ang Bay Police Station agad na naglunsad ng hot pursuit at manhunt operations at napag alamang nakikisilong ang suspek sa kanyang kapatid sa Mabalacat, Pampanga.

Matapos ang mga serye ng pag-uusap, nakumbinsi ng mga pulis ang kapatid na isuko ang suspek.

Sinabi ni Dago sa pulisya na siya at ang biktima ay nagkaroon ng isang mainit na pagtatalo noong malagim na araw na iyon. Umamin ito sa mga imbestigador na binaril niya ng kanyang live-in partner at natukoy na selos ang motibo ng insidente

Narekober mula sa suspek ang anim na unit ng cellphone at dalawang charger ng biktima.

Kasalukuyang sumasailalim ang suspek sa inquest proceedings para sa kasong murder.

“Ganito dapat kasi ang mga pulis at imbestigador sa ground. Hindi nila tinulugan ang pangyayari kaya mabilis nilang nalaman ang pinagtataguan ng suspek at agad igtong natutugis ng ating pulisya,” ayon kay Police Regional Office 4A Director PBGEN Jose Melencio C. Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.