Suspek sa pagpatay sa mag-ina, patay matapos mang agaw ng baril

0
439

Antipolo City, Rizal. Napatay ng mga pulis matapos magtangkang mang agaw ng baril ang suspek sa pagpatay sa dalawang babae na mag-ina sa lungsod na ito noong Linggo ng umaga. 

Kinilala ni PCol. Dominic Baccay, Rizal Provincial Police Director ang napatay na suspek na pumaslang sa isang mag ina na si Ramcy Nerves, 49 anyos na residente ng Brgy. San Jose sa nabanggit na bayan.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, si Nerves ang pangunahing suspect sa pang- aabuso at pagpatay sa dalawang babaeng mag ina na mga kapitbahay nito sa nabanggit na barangay.

Batay sa pagsisiyasat, pinasok ng suspek ang bahay ng mag-ina at sinubukang gahasain ang 51-anyos na ginang ngunit nanlaban ito kung kaya at pinatay sa saksak.

Patay din ang 19-anyos na anak nito dahil hinihinalang sinubukan nitong tulungan ang kanyang ina.

Natunton ang suspek dahil sa mga bakas ng dugo na naiwan sa bahay at sa dinaanan nito.

“Ang naging resulta dugo mga bakas dugo maraming dugo sa traces pagtakas sa halamang patungo sa kanyang bahay. May bakas ng dugo. Nag-try nga siya linisin ang sarili,” ayon kay Antipolo City Police Chief. Lt. Col. June Paolo Abrazado.

Nang puntahan ang bahay ng salarin, nakita rin sa loob ang mga drug paraphernalia at ang duguang damit na isinuot nito sa pagsasagawa ng krimen.

Inaresto ang lalaki ngunit ng dadalhin na sa presinto ay nagtangka itong mang agaw ng baril kung kaya pinaputukan siya ng mga pulis at napatay.

Lumabas sa imbestigasyon na si Nerves ay nanliligaw sa 51 anyos niyang biktima.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.