Suspek sa pamamaril patay sa engkwentro sa Laguna

0
186

CALAMBA CITY, Laguna. Patay ang isang suspek sa pagpatay ng isang tricycle driver matapos ang engkwentro sa mga pulis sa Barangay San Jose, lungsod na ito nitong Huwebes.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si “Alyas Benjo” na napatay sa Barangay Parian, Calamba City noong gabi ding iyon.

Si Benjo ay tinukoy ng mga pulisya bilang salarin sa pagpatay kay Frederick Tagle, 41 anyos, isang tricycle driver na binaril habang nagmamaneho ng kanyang Rusi tricycle sa Barangay San Jose, Calamba City, noong Huwebes ng hapon.

Pagkatapos ng insidente, tumakas ang suspek patungo sa Barangay Sais. Batay sa ulat ng isang concerned citizen, natukoy ang suspek sa paligid ng Barangay Parian, Calamba City bandang 7:08 ng gabi.

Agad namang isinagawa ng mga intelligence operatives ang pagsundan sa suspek. Subalit, sa halip na sumuko, nagpaputok ang suspek nang maramdaman ang presensya ng mga operatiba na nagresulta sa engkwentro at nauwi sa kanyang kamatayan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.