SUV nahulog sa bangin: 5 mag anak na sakay ligtas lahat

0
574

TAGKAWAYAN, QUEZON. Nahulog sa bangin sa Brgy. San Vicente sa bayang ito ang isang SUV van sakay ang isang pamilya kanina, bandang 4:30 ng madaling araw at sa kabutihang palad ay nakaligtas ang buong mag anak. 

Ayon sa report ng Tagkawayan Municipal Disaster Risk Reduction and Management office na nag responde sa aksidente, nawalan ng preno ang van habang palusong sa isang kurbada hanggang sa nalaglag ito sa bangin na may 10 talampakan ang lalim.

Ang van ay napag alamang minamaneho ng isang nagngangalang Teofoldo Payo, 68 anyos, sakay ang kanyang asawa, dalawang anak na babae at dalawang apo.

Ang mag anak ay galing sa Maynila at uuwi sana sa Samar.

Kasalukuyang ginagamot sa Tagkawayan District Hospital ang mag anak na nagtamo lamang ng mga gasgas at galos sanhi ng aksidente.

Photo credits: Danny Estacio
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.