Non-permanent employees sa San Pablo City LGU itinaas ang sahod

0
491

San Pablo City, Laguna. Ipinahayag ni Mayor Vicente B.Amante ng lungsod na ito ang pagtataas ng sahod ng 1,107 na casual at job order employees sa ginanap na flag raising ceremony noong Lunes.

Ayon kay Amante, magsisimula ang  September 1, 2022 ang mas mataas na sahod na P400.00 kada araw para sa casual at job order employees mula sa dating P200.00.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ng 854 casual at job order employees ng executive branch at 253 empleyado ng legislative branch .

Sinabi rin ni Amante na upang mabigyang daan ang pagtataas ng sweldo ay hindi na inaprubahan ang renewal ng appointment ng ilang executive assistants.

“Kabilang sa programa ang pamahalaang panlungsod ang pagtitipid upang bigyang daan ang pagtataas ng sweldo ng mga non-permanent employees upang matulungan sila na makatawid sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at ng bilihin,” ayon sa kanya.

Samantala, nanawagan din si Amante sa Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice-Mayor Justin Colago na magsagawa din ng mga programa sa pagtitipid para sa karagdagang pagtataas ng sweldo ng mga nasabing kawani.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.