SWS: 50% ng mga Pinoy pabor sa divorce

0
365

Suportado ng kalahati ng mga Pinoy adult ang legalisasyon ng diborsyo sa bansa, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS). Sa survey na isinagawa noong Marso 21 hanggang 25, tinanong ang 1,500 respondents kung dapat bang payagan ang mga matagal nang hiwalay na mag-asawa na mag-diborsyo at muling magpakasal. Lumabas na 50 porsyento ang pabor, 31 porsyento ang tutol, at 17 porsyento ang undecided.

Ang mga respondent ay binubuo ng higit sa 50% na mga lalaki at 50% na mga babae, at lahat ay kasal. Nakapagtala ng +40 na net agreement mula sa mga lalaking nais na maisalegal ang diborsyo, +39 mula sa mga babaeng may live-in partners, +23 sa mga balo at hiwalay na babae, +20 sa mga unmarried men, +18 sa mga unmarried women, +12 sa mga widowed/separated men, +12 sa mga married women, at +10 sa mga married men.

Ayon sa survey, ang Metro Manila ang may pinakamataas na net agreement na +40 (very strong), Balance Luzon na +20 (moderately strong), Visayas na +20 (moderately strong), at Mindanao na +2 (neutral).

Matindi rin ang suporta sa diborsyo ng iba’t ibang relihiyon sa bansa tulad ng ibang Christians na +21 (moderately strong), Catholics na +20 (moderately strong), Muslims na +11 (moderately strong), at Iglesia ni Cristo na -10 (moderately weak).

Mahigit 600 residente mula sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) ang natanong tungkol sa usapin ng diborsyo, habang tig-300 naman mula sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.