Taal Volcano nagbuga ng 500 metrong plume, Kanlaon naglabas ng abo — PHIVOLCS

0
216

MAYNILA — Nagkaroon ng minor phreatomagmatic eruption ang Taal Volcano sa Batangas nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa isang post sa Facebook na may kalakip na time-lapse video, sinabi ng ahensya na nangyari ang phreatomagmatic eruption mula 6:13 a.m. hanggang 6:14 a.m.

“Time-lapse footage of minor phreatomagmatic eruption at the main crater of Taal Volcano that occurred at 06:13 AM to 06:14 AM, today (20 October 2025),” ayon sa PHIVOLCS.

Dagdag pa nito, “This event generated plumes that rose 500 meters above the crater as recorded by the Main Crater IP Camera.”

Paliwanag ng PHIVOLCS, ang phreatomagmatic eruption ay sanhi ng interaksiyon ng magma at tubig, na karaniwang nagreresulta sa sunod-sunod na pagsabog na may pabagu-bagong pagitan.

Alert Level 1 pa rin ang umiiral sa Taal Volcano, na nangangahulugang ito ay nasa abnormal condition. Hindi ito dapat bigyang-kahulugang huminto na ang aktibidad o ang banta ng pagsabog.

Sa ilalim ng Alert Level 1, maaaring maganap ang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at nakamamatay na akumulasyon o pagbuga ng volcanic gas.

Ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa Taal Volcano Island, partikular sa Permanent Danger Zone (PDZ) sa paligid ng Main Crater at Daang Kastila fissure. Bawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Samantala, sa Negros Island, nakapagtala rin ng ash emission ang Kanlaon Volcano nitong Lunes ng umaga.

Sa hiwalay na Facebook post, sinabi ng PHIVOLCS na nagsimula ang pagbuga ng abo sa Kanlaon Volcano’s summit crater mula 7:28 a.m. hanggang 7:38 a.m.

“Time-lapse footage of ash emission at the summit crater of Kanlaon Volcano that occurred at 07:28 AM to 07:38 AM, today (20 October 2025),” ayon sa PHIVOLCS.

“This event generated grayish plumes that rose up to 300 meters above the crater before drifting to the west as recorded by the Kanlaon Volcano Observatory – Canlaon City (KVO-CC) IP Camera,” dagdag pa ng ahensya.

Nanatili sa Alert Level 2 ang Kanlaon Volcano, na nangangahulugang may increased unrest. Maaaring maganap ang mga biglaang steam-driven o phreatic eruptions.

Sa ilalim ng Alert Level 2, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat-na-kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo