‘Taas-baba’ sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo

0
354

Mararanasan ang ‘pagtaas at pagbaba’ sa ­presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang oil industry players, ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas mula P0.80 hanggang P1.20 kada litro.

Ang presyo naman ng kerosene ay inaasahang bababa ng mula P0.40 hanggang P0.80 kada litro.

Samantala, ang ­presyo ng diesel ay magiging volatile at maaa­ring bumaba o tumaas ng hanggang P0.20 kada litro.

Ang paggalaw ng mga presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng tumataas na demand nito sa China at pangamba hinggil sa suplay ng langis mula sa Russia.

Karaniwang ipinatutupad ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa tuwing araw ng Martes.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.