MAYNILA Opisyal nang inanunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa, batay sa pinakahuling weather analysis at rainfall data mula sa ilang piling istasyon.
Ayon sa pahayag ng PAGASA, “Scattered to widespread rainfall has been observed in the past five days due to the Southwest Monsoon (Habagat). This signifies the onset of the rainy season across the western sections of Luzon and Visayas.”
Gayunpaman, ipinaliwanag ng ahensya na maaaring may mga panandaliang pagputol ng ulan sa loob ng ilang araw o linggo, na tinatawag nilang monsoon breaks.
Noong nakaraang linggo, inanunsyo rin ng PAGASA ang pagsisimula ng Habagat season, na magdadala ng mas madalas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo