Sinimulan na ang talakayan sa plenaryo ng Kamara nitong Lunes sa Resolution of Both Houses (RBH) 7 o ang pag-aamyenda sa economic provision ng 1987 Konstitusyon.
Ayon sa pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sinabi nitong ekonomiya at hindi pulitika ang misyon ng Cha-cha ng Kamara.
“Ito lamang ang pakay natin. Ekonomiya, hindi pulitika,” ani Romualdez sa tinatalakay na sa RBH 7 na kapareho sa bersiyon ng Senado sa RBH 6.
“Malinaw po sa ating lahat ang misyon natin ngayon. Baguhin ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga negosyo mula sa ibang bansa. Mga negosyong lilikha ng trabaho at magpapasigla ng ating ekonomiya,” dagdag pa ni Romualdez.
Binigyang diin ni Romualdez na ia-adopt ng Kamara ang proposed amendment ng Senado sa probisyon sa ekonomiya sa ilalim ng RBH 6 “in toto” ng Senado upang burahin ang mga espekulasyon na ang Cha-cha ay may motibong pulitika.
Ang RBH 6 ay inihain nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Pro Tempore Loren Legarda at Sen. Sonny Angara matapos na mapagkasunduan noong Enero na ang Senado ang mangunguna sa deliberasyon sa Cha-cha na magi-isaisantabi sa people’s initiative.
Kabilang sa target amyendahan ang Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Konstitusyon para pumasok ang Foreign Direct Investments (FDI) at lumikha ng trabaho para sa libu-libong mga Pilipino.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo