TalktoDok: Libreng online medical consultation sisimulan ng JCI bukas

0
251

Ipinararating ni Maria Diana Lyn Carlos, presidente ng JCI San Pablo 7 Lakes sa publiko na sisimulan ang TalktoDok free online consultation bukas hanggang Sabado (Enero 12 – 5, 2022), mula 10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Upang magpakonsulta ng libre sa TalktoTalk online, pumunta sa link na ito:

www.talktodok.com

Ang TalktoDok ay proyekto ng JCI Philippines, JCI Alabang at JCI San Pablo 7 Lakes.

Kabilang sa mga benepisyo ng online consultation ang pagtitipid sa gastos sa transportasyon, hindi na kailangang mag day off sa trabaho, makakatulong sa mga ina na walang mapag iiwanan sa maliliit na anak at access sa mga espesyalista, ayon sa paliwanag ni Carlos.

“Layunin din ng TalktoDok at ng Junior Chamber International Philippines, JCI Alabang at JCI San Pablo na matulungan ang mga Pilipinong hindi makaalis ng bahay, mga may sakit habang naka quarantine o naka isolate sa panahong ito ng patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, ayon pa rin sa ika-74 na pangulo ng JCI San Pablo 7 Lakes.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.