Tanker na may tripulanteng 23 Pinoy inatake sa Red Sea

0
147

MAYNILA. Na-stranded sa Red Sea ang isang oil tanker na may sakay na 23 Pilipino matapos atakihin nitong Miyerkules, Agosto 21, ayon sa ulat ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO).

Ang barkong Sounion, na may bandila ng Greece, ay unang inatake ng dalawang maliliit na bangka na pinaniniwalaang Houthis sa layong 77 nautical miles mula sa kanluran ng port city ng Hodeidah sa Yemen. Ayon sa UKMTO at sa Greek shipping ministry, tinamaan ang tanker ng mga projectile mula sa mga bangka.

Nagkaroon din ng mabilis na palitan ng putok sa pagitan ng mga umatake at ng mga nasa barko. Kasunod nito, muling napaulat na inatake ang barko, na nagdulot ng sunog at pagkawala ng engine power nito, dahilan upang hindi na ito makagalaw at magmaniobra.

Sa kabila ng mga nangyari, ligtas ang lahat ng 25 crew members, na kinabibilangan ng 23 Pilipino at dalawang Russian.

Kinumpirma naman ng Delta Tankers, ang operator ng barko, na nakahimpil na ang Sounion at nagtamo lamang ito ng minor damage.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo