Tanod, minolestiya ng kapitan sa barangay hall, naghabla

0
689

GEN. MARIANO ALVAREZ, Cavite. Nagsampa ng reklamo sa pulisya ang isang barangay tanod laban sa kanilang tinatawag na “Kap Ugay” matapos umano siyang molestiyahin nito sa loob mismo ng Barangay Hall sa Brgy. Poblacion 5, sa bayang ito.

Sa salaysay ni alyas Philip na miyembro ng Bantay Bayan, sa pulisya, 12:17 ng tanghali nitong Mayo 5 nang pumunta siya sa Barangay Hall hinggil sa diumano ay “summons” na natanggap mula kay “Kap Ugay” ng nasabing Barangay. Sinabi rin niya na diumano ay may kinalaman sa trabaho niya bilang Bantay Bayan ang nasabing pagpapatawag. Ngunit nang makarating siya sa Barangay Hall, nagulat siya nang bigla siyang hawakan sa puwet ng alyas “Kap” habang patungo sila sa opisina nito.

Sa loob ng opisina, agad daw ni-lock ng suspek ang pintuan at hinawakan agad siya sa leeg at bewang saka siya pinupog ng halik sa labi. Pinilit umano ng biktima na lumaban, ngunit dito na raw hinawakan ng suspek ang kaniyang ari. Nanlaban diumano ang biktima at mabilis itong lumabas ng silid at umalis ng Barangay Hall at pumunta sa kanyang tiyahin at isinumbong ang pangyayari.

Nagsagawa na ng operasyon ang pulisya upang maaresto ang suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.