Tara na sa Lynderson Arcade Weekend Market!

0
617

Malapit na ang Pasko. Sa mga panahong ganito, nakatanggap na ng 13th month pay at bonus ang mga manggagawa. Mapera ang mga tao. Ito din ang panahon na kabila kabila ang mga bazaar at panalong panalo ang mga exhibitors sa weekend markets sa iba’t ibang panig ng bansa.

Malimit ganapin ang mga exhibits ng mga farmers at small entrepreneurs sa San Pablo City. Noong nakaraang buwan ang SM San Pablo ay naglunsad ng Farmer’s Market Day sa SM City San Pablo sa pangunguna ng SM Foundation.  Noong Oktubre ay sinimulan naman ang The Healthy Market fair sa Pamana Hall kung saan ay nagtipon ang ibat ibang kooperat at samahang magsasaka at nagbahagi sa lahat ng mga ani at agricultural products. Ito ay inisyatibo ng ating  the Office of the  City Administrator in Cooperation with the  City Agriculture Office at mga local farmers ng siyudad. Bukas ang heathy palengkeng ito tuwing Biyernes.

Ngayong ikatlong linggo ng buwang kasalukuyan hanggang Disyembre, ang Lynderson Arcade sa Brgy. San Roque, Purok 4, Maharlika Highway, San Pablo City, Laguna ay nagbukas ng Lynderson Weekend Market upang tulungan ang mga agripreneurs at small and micro entreprenuers na muling makabangon mula sa pagkalugi na dulot ng pandemya. 

Ang Lynderson Arcade Weekend Market ay isang pagdiriwang ng mga magsasaka at maliliit na business owners ng San Pablo City, Laguna. Dito, makikita ang pinakamahusay na mga lokal na produkto tulad ng mga manok, natural na gulay, prutas, at halaman.

Napakagandang collaboration nito sa pagitan ng mga magsasaka, small micro entrepreneurs, local government at mga big players sa larangan ng paghahanapbuhay.

Inaanyayahan po namin ang lahat na suportahan natin ang magandang layunin ng bawat isa para sa mabuti at maunlad na buhay ng bawat isang magsasaka at mamamayan.

Tara na at mamalengke sa Lynderson Arcade Weekend Market!

Ang Lynderson Arcade Weekend Market ay isang pagdiriwang ng mga magsasaka at maliliit na business owners ng San Pablo City, Laguna. Dito, makikita ang pinakamahusay na mga lokal na produkto tulad ng mga manok, natural na gulay, prutas, at halaman.
Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.