Tataas ng P5 kada kilo ang bigas

0
530

Inaasahan na tataas ang mga presyo ng bigas sa bansa sa susunod na mga linggo dahil sa nagmahal na presyo ng palay sa farmgate, na dulot ng tag-init, mas mahal na mga inputs, at mababang buffer stock.

Ayon sa Department of Agriculture, ang maximum na inaasahang pagtaas ay P5 kada kilo. Ito ayon sa kanila ay dahil mataas sa presyo ng binili nilang palay na P22 hanggang P23 kada kilo.

Kabilang din sa mga dahilanan ng pagtaas ng presyo ang mas mababang imbentaryo ng bansa na sasapat lamang sa 51 na araw at ang normal na pagtaas ng presyo nito sa panahon ng tag-init.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.